Bagyong Tisoy

Hindi ko pina-STOP ang bagyong Tisoy dahil sa bashers, sabi ni Quiboloy

54 Shares

Naging maingay ulit ang pangalan ni Pastor Quiboloy ng pina-STOP nya umano ang lindol sa Mindanao kamakailan lang. Pero dahil sa binash sya ng mga tao, hindi siya naging masaya. Dahil dito, hindi nya pina-stop ang bagyong Tisoy ng ito ay sumalakay sa ibang parte ng Pilipinas at nagdulot ng milyong milyong pinsala at kumitil sa 9 na buhay.

Ayun sa video interview na pinost sa Facebook, ang leader ng Kingdom of Jesus Christ ay nag pasya na hayaan na dumaan ang bagyong Tisoy sa bansa.

In a video interview posted on Facebook, the leader of the Kingdom of Jesus Christ said he decided to just let the typhoon pass through the country.

“Kasi nung ini-stop ko yung earthquake, nagalit man sila. Binash ako ng napakarami. So, baka i-stop ko yung bagyo magalit baka magalit na naman. O, kaya pinabayaan na natin,” sabi ni Quiboloy.

“Mag-pray na lang tayo ‘yung bagyo lumampas na lang. E, di ngayon normal na. Tulungan na lang natin ‘yung mga nasalanta,” dagdag ng pastor.

Ayon sa pastor, dapat daw na magpasalamat ang pubiko sa pagpahinto nya ng lindol sa Mindanao nung Oktubre.

“Ako’y umiinom lang ng kape eh, lumilindol. Sinabi ko, ‘lindol huminto ka!’ Huminto,” sabi nya sa isang video.

Sa isa pang Facebook post nung Huwebes, inanyayahan ng self-proclaimed “Appointed Son of God” ang kanyang mga taga suporta na magdasal.

Dagdag pa niya na ang kanyang grupo ay handang tumulong sa nasalanta ng kalamidad.

“Ang hindi mai-stop diyan ‘yung tulong namin,” pagtatapos ni Quiboloy.

Savior Teacher: Erlinda Ajero protects her students during an earthquake

Facebook Comments

54 Shares